Ang unang pagdinig hinggil sa kaso ng mga opisyal ng Bambino Gesù hospital ay nagsimula na nuong Martes, ika-18 ng Hulyo 2017.

Ang dating pangulo ng Bambino Gesù' foundation na si Giuseppe Profiti at dating treasurer nito  na si  Massimo Spina ay kinasuhan ng “illicitly using money to renovate an apartment’’ na pag-aari ni Cardinal Tarcisio Bertone, dating Vatican secretary of state.

Sila ay inaakusahang nagbayad ng 422,000 Euros mula sa pondo ng ospital kay Gianantonio Bandera, ang may ari ng Castelli Reconstruction company.

Naka-skedyul ang susunod nilang hearing sa 7-9 Setyembre ngayong taon. 


 

Contact Us

Facebook Page