Kasunod ng Angelus prayer ng Santo Papa nitong linggo, ika-24 ng Hulyo, muli siyang nanawagan para sa panalangin para sa ikabubuti at samahan ng mga nasawi sa nakaraang pag atake ng mga terorista.

“At this time our soul is once again moved by sad news related to deplorable acts of terrorism and of violence, which have caused sorrow and death,” sinabi ng Santo Papa. “I think of the dramatic events in Munich in Germany, and in Kabul in Afghanistan, where many innocent people lost their lives”, dagdag pa ng Santo Papa. Ayon sa kanya, ang mga pamilya at kaibigan ng mga nasawi ay kanyang ipagdarasal.

Kaugnay nito, hinihikayat tayo ng Santo Papa na makiisa sa kanyang panananalangin para sa mga namatay at para kapayapaan ng mundo. At upang matigil na ang mga pag atake ng mga terorista.

“That the Lord might inspire in everyone intentions of goodness and fraternity.” The more “difficulties might seem insurmountable, and prospects of security and peace seem obscure,” sabi pa niya, “the more insistent must our prayer be.”

Nawa tayo ay tumugon sa panawagang ito ng Banal na Papa upang mapabuti rin tayo at matulungan natin ang ating mga kababayan gayundin ang lahat ng tao sa mundo. Nais ng Santo Papa na mailigtas ang bawat isa sa atin.

Pagkatapos ng pahayag na ito ni Papa Francisco, ilang minuto ang inilaan para sa buong katahimikan ng lugar at sinundan naman ito ng pagdarasal ng Ave Maria ng mga taong nagsama sama sa Saint Peter’s Square na pinangunahan ng Santo Papa.


 

Contact Us

Facebook Page