Inilabas na ang mga detalye tungkol sa nalalapit na pamamakay ng Santo Papa para sa ikawalong sentenaryo ng Franciscan feast of the “Pardon of Assissi”.

Sa darating sa ika-4 ng Agosto ang Santo Papa ay magkakaroon ng pribadong paglalakbay sa banal na lugar ng Assissi, isang maliit na bayan sa Italian region ng Umbria na kilala bilang birthplace ng Franciscan order. Doon ay mananalangin ang Santo Papa sa Porziuncola chapel kung saan nagsimula ang feast ng “”Pardon of Assissi”.

Ayon sa bagong detalye na inilabas ng local website para sa Franciscan order, inaasaahang darating ang Banal na Santo Papa sa Assissi na sakay ng helicopter sa ganap na 3:40pm. Sa ganap na alas kwatro naman ng hapon ay pupunta ito sa Basilica of Our Lady of the Angels, sa loob kung saan matatagpuan ang Porziuncola chapel. Mag aalay din doon ng panalangin ang Santo Papa bago siya magbigay ng pagninilay sa Ebanghelyo tungkol kay San Mateo.

Makikipagkita rin ang Santo Papa sa Franciscan bishops at sa mga superior nito. At babatiin din ang mga manlalakbay na nagkakatipon sa labas ng Basilica.

Matapos nito ay aalis na ang Santo Papa  pabalik sa Vatican.


 

Contact Us

Facebook Page