Ang nalalapit na pagbisita ni Pope Francis sa Poland para sa pagdiriwang ng World Youth Day sa Krakow ang pinag usapan sa isang madetalyeng pagtatagubilin sa mga mamamahayag ng Press Office ng Holy See noong Miyerkules na isinagawa ni outgoing director ng Press Office na si Fr. Federico Lombardi, SJ.

Sa totoo lang ang tagubilin sa mga mamamahayag ay isang malalim na pagtingin sa iskedyul ng Banal na Santo Papa para sa tatlong araw nitong pagbisita sa native land ng kanyang hinalinhan na si Pope St. John Paull II na siyang nagtatag ng tradition ng World Youth Day noong 1986.

Ang isang isyu na napag usapan ay ang seguridad ng Banal na Santo Papa at lalo na ang atmosphere na papalibot sa magaganap na pagdiriwang.

Ayon kay Fr. Lombardi wala naman ng masyadong dapat alalahanin pa sa seguridad sa Poland. Dagdag pa niya, wala rin umano siyang narinig o nabalitaan na mga grupong umurong sa pagbabantay ng kaligtasan ng Santo Papa. Ang sinasabi pa ni Fr. Lombardi ay nawa maging maayos ang klima at maging normal ang temperature ng lugar.

.


 

Contact Us

Facebook Page