Nakipagpulong si Cardinal Secretary of State Pietro Parolin kay Russian foreign Minister Sergej Lavrov kahapon, ika-22 ng Agosto 2017.

Ilan sa kanilang napagkasunduan ng dalawang panig ay ang visa free diplomatic tyravel at ang panawagang dayalogo sa Venezuela.

Sa isang press conference, ang Holy See at ang Russian federation at pumirma sa kasunduang tanggalin na ang visa requirement para sa diplomatic passport holders.

Kasabay nito, hinikayat ng Vatican ang Russian federation na mamagitan sa krisis sa Venezuela. Maaaring pakinggan ang buong ulat dito.

Ang unang pagdinig hinggil sa kaso ng mga opisyal ng Bambino Gesù hospital ay nagsimula na nuong Martes, ika-18 ng Hulyo 2017.

Ang dating pangulo ng Bambino Gesù' foundation na si Giuseppe Profiti at dating treasurer nito  na si  Massimo Spina ay kinasuhan ng “illicitly using money to renovate an apartment’’ na pag-aari ni Cardinal Tarcisio Bertone, dating Vatican secretary of state.

Sila ay inaakusahang nagbayad ng 422,000 Euros mula sa pondo ng ospital kay Gianantonio Bandera, ang may ari ng Castelli Reconstruction company.

Naka-skedyul ang susunod nilang hearing sa 7-9 Setyembre ngayong taon. 

Ang Sea Sunday ay ipinagdiwang ng Vatican nuong lingoo, ika-9 ng Hulyo taong 2017 kasama ng iba pang simbahan at ecclesial communities; kung saan inalala at ipinagdasal ang mga mandaragat (sea farers), kanilang mga pamilya at mga taga suporta..

Ang Sea Sunday ay ini-sponsor-an ng Apostleship of the Sea. Ang Prefect of the new Dicastery, Cardinal Peter K. A. Turkson ay naglabas ng mensahe para sa Sea Sunday ngayong taon.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng Cardinal na “on Sea Sunday, we are invited to recognise and express our gratitude” to the more than one and a half million seafarers around the world “who, with their hard work and sacrifices are making our lives more comfortable.’’

Binanggit din ng Cardinal ang kanyang pag aalala sa mga mangingisda sa pagtatapos ng kanyang mensahe. Kinilala ng Cardinal ang pangingisda bilang isa sa mga pinaka delikadong hanapbuhay sa mundo; dagdag pa rito ang mga kaugnay na usapin ng human trafficking, forced labor at iba pang paglabag sa karapatang pantao.

Isang apartment block ang gumuho nuong byernes, ika-7 ng Hulyo taong 2017 sa Torre Annunziata. Ang trahedya ay kumitil sa buhay ng walong tao at dalawa rito ay pawang mga bata.

Kinabukasan ay nagpadala agad ng telegram of condolence ang Santo Papa mula kay Cardinal Secretary of State Pietro Parolin. "Profound condolences... fervent prayers of suffrage" ang ipinaabot ng Santo Papa sa mga biktima ng trahedya.

Sa pagtatapos ng telegrama, binanggit ng Santo Papa ang kanyang apostolic blessing bilang simbolo ng “spiritual closeness.”

Page 1 of 2
 

Contact Us

Facebook Page