Nagpadala ng mensahe ang Santo papa sa Congress of the Scholas Occurentes sa pagtatapos nito nuong ika-5 ng Hulyo taong 2017 na may temang “Between the University and the School, building peace through the culture of encounter.”

Sa kanyang mensahe, sinabi ng Santo papa na “I want to celebrate these days lived out there in Jerusalem, because you yourselves, beginning from your differences, have achieved unity.”

Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, pinasalamatan nya ang bawat matanda sa kanilang pagiging bukas sa serbisyo at pakikinig. Pinasalamatan nya rin ang  mga kabataan sa kanilang "commitment to dreaming, to seeking meaning, to creating, to being grateful, to celebrating, to offering their minds, their hands, and their hearts in order to transform the culture of encounter into reality.”

Sentral na mensahe ng Santo Papa sa kanyang tradisyunal at lingguhang Angelus na ‘’unahin si Kristo’’ nuong linggo, ika-2 ng Hulyo taong 2017 sa St. Peter’s Square, Vatican City.

Hinikayat ng Santo Papa ang mga kristyano na pagnilayan ang esensya na karakter ng isang disipulo ng simbahan.

Paliwanag niya, “Any and every disciple, whether he be a lay man, a lay woman, a priest, a bishop: the relationship [with Christ, the Divine Teacher] takes precedence.”

Binigay na halimbawa ng Santo Papa ang Birheng Maria na dapat pamarisan ng mga misyonaro sa kanyang pagwawakas, ayon sa Santo Papa “The Virgin Mary felt in her own person what it means to love Jesus, detaching oneself from oneself, giving new meaning to family ties.”

Kinondena ng Santo Papa Francisco ang mga pag-atake  ng mga terorista na ginagamit pa ang pa­ngalan ng Diyos.

Sa pahayag ng Santo Papa sa Vatican diplomatic corps, sinabi ng Santo Papa na walang sinumang tao sa mundo ang maaaring pumatay sa ngalan ng Diyos.

Hindi umano ipinaguutos ng Diyos ang pumatay ng kapwa tao.

Batid din ng Santo Papa na ang kahirapan ay siyang magsisilbing ground para sa radikalisasyon.

Sa pagpapatuloy ng kanyang paliwanag sinabi din ng pinaka mataas na lider ng simbahang katolika na ang fundamentalist terrorism ay bunga ng spiritual poverty na idinudugtong sa social poverty.

Ilan sa ibinigay ng Santo Papa bilang halimbawa ay  ang mga pagpatay nito lang mga nakaraang taon ng mga terorista sa mga sibilyan sa mga bansa tulad ng sa ilang bahagi ng Europa, Africa, Asia, Gitnang Silangan at Estados Unidos.

Bilang pang huli sinabi ni Pope Francis na maaari lamang aniya masugpo ang ganitong klaseng problema kapag pinagtibay ng mga religious at political leaders ang kanilang pagtuturo ng tama.

 

Kasama ang ilang mga kabataan mula sa isang Italian Catholic Lay Association na ‘Azione Cattolica Italiana’ noong Lunes, ika-19 ng Disyembre, muling pinaalala ni Santo Papa Francisco na mas palawigin pa ang ating relasyon sa ating mga Lolo at Lola ngayong panahon ng Adbiyento. 

Pinaalala rin ng Santo Papa na ang pagtanggap sa Adbiyento ay parang muling pagtanggap rin ng isang regalo, at hinihikayat niya ang lahat na ipadama ito sa ating mga mahal sa buhay lalung lalo na sa ating mga Lolo at Lola ngayong darating na Kapaskuhan.

Ayon pa kay Papa Francisco, “I would like to give you a task: speak to your grandparents, ask them questions, they have the memory of history, the experience of living, and this is a great gift for you that will help you in your life journey”.

Sa kabila ng mensaheng ito ng Santo Papa sa mga kabataan, nagbigay din ito ng mensahe sa mga nakatatanda at kanyang sinabi na, "grandparents themselves need to listen to you, understand your aspirations and your hopes”.

Pinasalamatan naman ni Papa Francisco ang ‘Azione Cattolica Italiana’ sa kanilang pakikibahagi sa usaping kapayapaan at pagkakaisa para sa mga kaguluhan sa lalawigan ng Naples sa Italya.

Ang ‘Azione Cattolica Italiana’ ay isang "non-political lay organization" na itinatag sa Italya ni Pope Pius X noong 1905.

Page 2 of 3
 

Contact Us

Facebook Page