Babasbasan (beatification) ng Santo Papa ang dalawang martir na Colombian clerics sa kanyang pagdalaw sa bansang Colombia sa darating na Setyembre ngayong taon.

Ayon sa Director of the Holy See Press Office na si Grek Burke, sina Bishop Jesus Emilio Jaramillo Monsalve of Arauca at Father Pedro Ramirez Ramos ay babasbasan ng Santo Papa sa darating na ika-8 ng Setyembre sa isang open-air Mass sa syudad ng Villavicencio kung saan siya mismo ang magpapadaloy.

Ang pagbisita ng Santo Papa sa Colombia ay inaasahang magsesemento ng usaping pangkapayaan sa pagitan ng Gobyerno ng Colombia at ang rebeldeng grupong Revolutionary Armed Forces of Colombia o FARC.


 

Contact Us

Facebook Page