“Come to me, all you who are weary and are burdened, and I will give you rest,” ang sentrong mensahe sa angelus ng Santo Papa nitong nagdaang araw ng linggo, ika 9 ng Hulyo taong 2017.

Ayon sa Santo papa, alam ng Diyos kung gaano kahirap ang buhay. Alam nya na maraming bagay at pagsubok ang nagpapabigat sa mga puso ng bawat tao.

Sa kabila ng mga ito, hinihikayat ni Hesus ang lahat na lumapit sa kanya at sinasabi nyang, "come" kapag bumibigat ang mga pasanin.

Ayon sa Santo papa, mali na sarilinin ang mga problema at pagsubok sa buhay. Paliwanag nya ay nais ni Hesus na umahon ang mga tao sa kumunoy na ito. Ang tanging solusyon lamang ay ang paglapit sa panginoon.

“Let us learn to go to Jesus,” wika ng Santo Papa sa kanyang pagtatapos. “And while, in these summer months, we seek some respite from those things that weary the body, let us not forget to find true rest in the Lord.”


 

Contact Us

Facebook Page