Kinondena ng Santo Papa Francisco ang mga pag-atake  ng mga terorista na ginagamit pa ang pa­ngalan ng Diyos.

Sa pahayag ng Santo Papa sa Vatican diplomatic corps, sinabi ng Santo Papa na walang sinumang tao sa mundo ang maaaring pumatay sa ngalan ng Diyos.

Hindi umano ipinaguutos ng Diyos ang pumatay ng kapwa tao.

Batid din ng Santo Papa na ang kahirapan ay siyang magsisilbing ground para sa radikalisasyon.

Sa pagpapatuloy ng kanyang paliwanag sinabi din ng pinaka mataas na lider ng simbahang katolika na ang fundamentalist terrorism ay bunga ng spiritual poverty na idinudugtong sa social poverty.

Ilan sa ibinigay ng Santo Papa bilang halimbawa ay  ang mga pagpatay nito lang mga nakaraang taon ng mga terorista sa mga sibilyan sa mga bansa tulad ng sa ilang bahagi ng Europa, Africa, Asia, Gitnang Silangan at Estados Unidos.

Bilang pang huli sinabi ni Pope Francis na maaari lamang aniya masugpo ang ganitong klaseng problema kapag pinagtibay ng mga religious at political leaders ang kanilang pagtuturo ng tama.

 


 

Contact Us

Facebook Page