Kasama ang ilang mga kabataan mula sa isang Italian Catholic Lay Association na ‘Azione Cattolica Italiana’ noong Lunes, ika-19 ng Disyembre, muling pinaalala ni Santo Papa Francisco na mas palawigin pa ang ating relasyon sa ating mga Lolo at Lola ngayong panahon ng Adbiyento. 

Pinaalala rin ng Santo Papa na ang pagtanggap sa Adbiyento ay parang muling pagtanggap rin ng isang regalo, at hinihikayat niya ang lahat na ipadama ito sa ating mga mahal sa buhay lalung lalo na sa ating mga Lolo at Lola ngayong darating na Kapaskuhan.

Ayon pa kay Papa Francisco, “I would like to give you a task: speak to your grandparents, ask them questions, they have the memory of history, the experience of living, and this is a great gift for you that will help you in your life journey”.

Sa kabila ng mensaheng ito ng Santo Papa sa mga kabataan, nagbigay din ito ng mensahe sa mga nakatatanda at kanyang sinabi na, "grandparents themselves need to listen to you, understand your aspirations and your hopes”.

Pinasalamatan naman ni Papa Francisco ang ‘Azione Cattolica Italiana’ sa kanilang pakikibahagi sa usaping kapayapaan at pagkakaisa para sa mga kaguluhan sa lalawigan ng Naples sa Italya.

Ang ‘Azione Cattolica Italiana’ ay isang "non-political lay organization" na itinatag sa Italya ni Pope Pius X noong 1905.


 

Contact Us

Facebook Page