Nagpahayag ng pakikidalamhati ang Santo Papa sa lahat ng kapamilya ng mga biktima sa naganap na mudslide sa sierra leone.

Isang telegramang pirmado ni Cardinal Secretary of State Pietro Parolin ang nagsabing ang santo papay ay nananalangin ng "divine blessings of strength and consolation” para sa mga kapamilya at mahal sa buhay ng mga nasawi sa trahedya.

Maaaring mabasa ang laman ng telegrama dito.

Nagpadala ng mensahe ang Santo Papa sa International Meeting of the World Movement of Christian Workers sa pagdiriwang ng ika-50 taong annibersaryo ng pagkakatatag nito ngayong taon.

Ang pagdiriwang ay mayroong 129 delegeado mula sa 79 iba't ibang bansa na may temang "Land, Home and Work for a Worthy Life". Ang mensahe ay nagbigay diin sa "the dignity of the person is closely united to these three realities" that remind us that the fundamental experience of the human being "is to feel rooted in the world, in one Family, in a society.’’.

Äyon pa sa mensahe "Land, home, and work - continues the Message - means fighting because every person lives in a manner consistent with his dignity and nobody is discarded. To this we encourage our faith in God, who sent his Son into the world because, sharing the story of his people, living in a family and working with his hands, he could redeem and save the human person with his Death and resurrection ".

Sa pagtatapos ng mensahe, hinikayat ng Santo papa ang Christian Workers Movement na "to persevere with renewed impetus in the effort to bring the Gospel into the world of work."

Babasbasan (beatification) ng Santo Papa ang dalawang martir na Colombian clerics sa kanyang pagdalaw sa bansang Colombia sa darating na Setyembre ngayong taon.

Ayon sa Director of the Holy See Press Office na si Grek Burke, sina Bishop Jesus Emilio Jaramillo Monsalve of Arauca at Father Pedro Ramirez Ramos ay babasbasan ng Santo Papa sa darating na ika-8 ng Setyembre sa isang open-air Mass sa syudad ng Villavicencio kung saan siya mismo ang magpapadaloy.

Ang pagbisita ng Santo Papa sa Colombia ay inaasahang magsesemento ng usaping pangkapayaan sa pagitan ng Gobyerno ng Colombia at ang rebeldeng grupong Revolutionary Armed Forces of Colombia o FARC.

“Come to me, all you who are weary and are burdened, and I will give you rest,” ang sentrong mensahe sa angelus ng Santo Papa nitong nagdaang araw ng linggo, ika 9 ng Hulyo taong 2017.

Ayon sa Santo papa, alam ng Diyos kung gaano kahirap ang buhay. Alam nya na maraming bagay at pagsubok ang nagpapabigat sa mga puso ng bawat tao.

Sa kabila ng mga ito, hinihikayat ni Hesus ang lahat na lumapit sa kanya at sinasabi nyang, "come" kapag bumibigat ang mga pasanin.

Ayon sa Santo papa, mali na sarilinin ang mga problema at pagsubok sa buhay. Paliwanag nya ay nais ni Hesus na umahon ang mga tao sa kumunoy na ito. Ang tanging solusyon lamang ay ang paglapit sa panginoon.

“Let us learn to go to Jesus,” wika ng Santo Papa sa kanyang pagtatapos. “And while, in these summer months, we seek some respite from those things that weary the body, let us not forget to find true rest in the Lord.”

Page 1 of 3
 

Contact Us

Facebook Page