Isang konsehal mula Quezon City ay maaaring makulong hanggang 25 taon matapos mapatunayang guilty sa pamemeke ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Ayon sa ulat ng Inquirer, ang Quezon City Metropolitan Trail Court Branch 40 ay sinentensyahang guilty si Konsehal Ranulfo Ludovica sa salang falsification of public documents, including five counts of violation of Republic Act 6713 or the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Ayon sa hatol na inilabas nung isang bwan, palsipikado daw ang kanyang 2005 SALN dahil hindi na-disclose ng konsehal ang kanyang business interests sa kumpanyang "Jessa Zaragoza Phenomenal Entertainment.”

Walang komento sa isyu ang konsehal kundi ang pag file nito ng motion for reconsideration.


 

Contact Us

Facebook Page