Si Senadora Risa Hontiveros ay nanawagan ng mahigpit na parusa laban sa online abuse at harassment laban sa mga kabataan at kababaihan batay sa ulat ng inquirer nuong ika 6 ng Hulyo taong 2017.

Ang Senadora ay tumatayong chairperson ng Committee on women, children, family relations and gender equality.

Hinahangad diumano ng Senadora na maipasa ang isang batas na anti-gender-based online violence law. Kung maipatutupad, may parusang 10 taong pagkakakulong ang sino mang mahuli. Ang batas ay naglalayong pigilan ang pagkakalat ng mga litrato ng mga kababaihan at kabataan sa social media.

Tinutukoy ng Senadora ang grupong “Pastor Hokage Bible Study". Kilala ang grupo sa pagnanakaw at pagpapakalat ng mga litrato ng mga kababaihan sa facebook.


 

Contact Us

Facebook Page