Sa huling araw ng 4th World Apostolic Congress on Mercy ng Katolikong Simbahan na ginanaop ngayong taon sa ating bansa, inanunsyo na ni Fr. Patrick Chocholski, Secretary General of WACOM, na ang susunod na WACOM ay gagawin sa bansang Samoa.

Isinagawa ni Fr. Chocholski ang anunsyo matapos ang Banal na Misa sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bagac, Bataan para sa huling araw ng WACOM4.

Sa datos, humigit kumulang 6,000 delegado sa loob at labas ng bansa ang dumalo sa nasabing pagtitipon, kasama ang mga layko, mga obispo at pari mula sa ibat ibang panig ng mundo, at mga mananampalataya ng katolikong simbahan.

Ang World Apostolic Congress on Mercy ay nagsimula noong taong 2008 kung saan ginanap ang kauna-unahang WACOM sa Roma, kasabay ng ikatlong taong anibersaryo ng kamatayan ni St. John Paul II.

Idinaos ang WACOM4 dito sa iba't ibang lugar sa Pilipinas, kasama ang Manila Cathedral, University of Santo Tomas, National Shrine of Padre Pio sa Sto. Tomas, Batangas, at sa Diocese ng Balanga, Bataan. 


 

Contact Us

Facebook Page