Mariing tinutulan ni House deputy speaker Miro Quimbo ng Marikina kaugnay sa posibleng pagsusulong ng mga economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte na dagdagan ang buwis, lalo na sa excise tax ng mga produktong petrolyo,  para  mapondohan umano ang mga infrastructure projects ng gobyerno na aabot ng P8-9 trilyon.

Panawagan pa ng kongresista, bago isulong ng mga economic managers ni Pangulong Duterte na dagdagan ang buwis ay dapat munang ayusin ang pangongolekta at paggastos nito.

Anya dapat munang linisin ang sistema ng pagkolekta at paggastos sa pondo bago magpataw ng napa­kabigat na bagong buwis lalo na kung ang tatamaan ay ang mga mahihirap.

Sa ngayon, bigo pa rin umano ang mga collecting agencies tulad ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) na makolekta ang target na buwis.

At bilang panghuli, inihirit ni congressman Quimbo na kahit magdag­dag ng bagong buwis ang pamahalaan ngunit hindi pa rin umano makokolekta ang mga ito nang maayos, wala rin aniyang silbi ito at sa halip ay pahihirapan lamang nito ang mga ordinaryong mamamayan.


 

Contact Us

Facebook Page