Ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay nagpahayag na malapit na umanong ilabas ng departamento ang guidelines hinggil sa paggamit ng high-heels sa trabaho.

Ayon sa ulat ng Inquirer, nakumpleto na ng technical working group (TWG) ang guidelines nuong lunes. “We will issue a directive to employers not to require (the use of high-heeled shoes),” ayon kay DOLE Secretary Silvestre Bello III.

Maaalalang nag issue ang kalihim ng AO 368 matapos isiwalat ng Associated Labor Union (ALU) sa DOLE  ng mga health risk ng paggamit ng high heels sa mga kababaihang manggagawa.

Iniatras na ng Viacom International Media Networks (VIMN) ang planong pagtayo ng Nickelodeon resort sa Coron, Palawan.

Ayon sa ulat ng Rappler, pinahayag ng VIMN na nagkaroon sila ng “mutual agreement” sa project developer Coral World Park (CWP) “to discontinue the IP licensing agreement” para sa Nickelodeon resort.

Dagdag pa ng pahayag, “…therefore, VIMN and Nickelodeon will no longer be involved with this proposed development,” sabi ni Adeline Ong, VIMN Asia’s Senior Director of Corporate Communications.

Ang inisyal na plano sa resort ay itatayo sa 400 ektaryang lupain at magbubukas sa taong 2020. Matatandaang maraming grupong maka-kalikasan ang kumontra sa proyekto habang isang online petition kontra sa proyekto ang nakakalap ng 263,000 pirma.

Ang mga guro at estudyante sa mga pampubliko at pribadong high school ay dadaan na sa mga random drug testing simula bwan ng Setyembre taong kasalukuyan. Ito ay ayon sa pahayag ng Department of Education (DepEd) kahapon, ika-16 ng Agosto.

Ayon sa ulat ng Inquirer, sinabi ni DepEd Secretary Leonor Briones na ang drug testing ay gaganapin sa labas ng eskwelahan. Paliwanag ng kalihim, “We are for the best protection and safety of the students,” Briones said. “This is not ‘tokhang-tokhang.’ This is for [students’] own good.”

Sinigurado naman ng kalihim ang publiko na ang resulta ng testing ay hindi magiging batayan ng expulsion disciplinary action o ano mang criminalo charges o proceedings.

Nasisiyahan ang Philippine National Police (PNP) sa kasalukuyang takbo ng drug war sa bansa. Ayon sa ulat ng Inquirer, sinabi ni PNP Chief Ronald "Bato" dela Rosa na "We are winning the war. I am very satisfied."

Dagdag pa ng hepe, “It’s just that along the way, we encountered problems. But we do give it attention and solution."

Ang opinyon ng publiko ang kanyang batayan sa pagsusuri sa nasabing kampanya. Bumaba diumano ng 27% ang crime index nung nakaraang taon.

Gayunpaman, ikinalulungkot din ng hepe ang pagkakasangkot ng ilang mga pulis sa mga eskandalo tulad ng kidnapping at murder ni Korean businessman Jee Ick-joo nuong Oktubre ng nakaraang taon.

Page 1 of 5
 

Contact Us

Facebook Page