Isang pag aaral ang nagsasabing Tagalog ay malimit gamitin sa California, Nevada at Washington. Pumapangalawa ito sa lenggwaheng Spanish.

Ang pag aaral ay isinagawa ng 24/7 Wall st. at inilabas nuong ika-1 ng Hulyo ngayong taon. Mayroon diumanong 832,024 residente sa California, 74,337 sa Nevada at 62,201 naman sa Washington ang nagsasalita ng tagalog sa kani-kanilang bahay.

Inilarawan ng pag aaral ang tagalog bilang "base for the Filipino language.” Kasama ang tagalong bilang ginagamit ng milyong katao sa Amerika katulad ng Chinese, Vietnamese, Korean at German.


 

Contact Us

Facebook Page