Nangako ang bansang Japan na magbibigay ng isang bilyong dolyar na ayuda para sa mga kabataan at mga bata.

Ayon sa ulat ng Channel News Asia, ang ayuda ay bahagi ng tulong ng bansa upang makamit ang United Nations (UN) Sustainable Development Goals (SDGs) sa buong mundo.

 

Ayon pa sa nasabing ulat, pinahayag ni Japan Foreign Minister Fumio Kishida sa isang pulong ng UN na "I am pleased to announce that the government of Japan commits to provide one billion dollars of assistance by 2018... (ang ayuda ay may) focus on policies targeting the next generation."

Ayon sa paliwanag ng Ministro, ang ayuda ay gagamitin partikular sa edukasyon, kalusugan, disaster risk reduction at gender equality.


 

Contact Us

Facebook Page