Ang gobyerno ng Malaysia ay inaabanagan ang pinaigting na pakikipagtulungan sa gobyerno ng Amerika sa laban kontra terorismo.

Sa ulat ng Channel News Asia, sinabi ni Malaysia Prime Minister Najib Tun Razak na ang pakikipagtulungang ito ay sa diwa kapayapaan, seguridad at katatagan para sa lahat.

Ibinahagi ng Prime Minister ang mensahe sa American Malaysian Chamber of Commerce dinner kasabay ng ika-60 taong selebrasyon ng US-Malaysia.

Ang US ay numero uno sa laban kontra "extremism" at wala nang mas matibay na alyado para sa Malaysia liban dito ayon paliwanag ng Prime Minister.


 

Contact Us

Facebook Page