Tinatayang nasa 13 katao ang namatay at 50 ang sugatan sa sumabog na pabrika Multfabs Ltd factory nuong ika-3 ng Hulyo taong 2017 sa Gazipur district, Bangladesh.

Sa ulat ng ucanews.com, sumabog diumano ang boiler sa pagawaan ng pabrika. Nangako naman ang management na bibigyang tulong ang lahat ng nasawi at nasugatan.

Gayunpaman, nanawagan ang mga lider ng unyon na dapat managot ang management sa kanilang kapabayaan.

"Workers complained the boiler was dysfunctional but the management tried to fix it, illegally, instead of replacing it. The objective of slashing expenses has cost workers' lives," sabi ni Babul Akhter, Presidente ng Bangladesh Garment and Industrial Workers Federation sa kanyang panayam sa ucanews.com.


 

Contact Us

Facebook Page