Sa nakatakdang pagdating ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa araw ng Huwebes ay hahandugan ito ng state dinner sa Malacañang Palace bago pa tuluyang bumiyahe patungo naman sa hometown ni PAngulong Rodrigo Duterte sa Davao City.

Pakakaabangan ng lahat kung matutuloy ang ninanais ng prime mister na makabisita ng personal sa ta­hanan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Davao City.

Inaasahang ang pagharap ni Prime mister Abe sa mga Pinoy business leaders sa Manila at Davao.

Batay sa pahayag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella, hiniling umano mismo ni Abe na mabisita ang bahay ni Duterte kaugnay ng gagawing tatlong araw na pagbisita sa Pilipinas

Ayon pa kay Abella na ang Department of Foreign Affairs na ang bahala sa pag-aanunsyo ng pinal na detalye ng pagbisita ng Prime Minister ng Japan dito sa Pilipinas.


 

Contact Us

Facebook Page