Isang car bombing incident nanaman ang naganap sa bansang Syria kung saan, umabot na sa mahigit sa animnapung katao ang nasawi.

Ayon sa ulat, ang pagsabog ay naganap sa isang commercial district ng bayan ng Azaz malapit sa Turkish border na hawak ng mga rebelde.

Dahil sa lakas ng pagsabog, marami ang agad na nasawi at mga sugatan na aabot pa sa higit isang daang katao kung saan nasira din ang ilang mga gusali.

Sa ulat ng Syrian Observatory for Human Rights, labing apat na rebeldeng nagbabantay sa isang local court house ang kabilang sa mga nasawi.

Hanggang sa ngayon ay wala pa ring anumang grupo ang umaako sa nasabing insidente ngunit isinisisi pa rin ito sa teroristang grupong Islamic State kung saan gumamit umano ito ng isang tanker kung kaya’t malakas ang naging pagsabog.


 

Contact Us

Facebook Page