Nanawagan si Cardinal Charles Maung Bo ng Myanmar sa mga mananampalataya sa kanilang bansa, na gawing Taon ng Kapayapaan ang susunod na taon.

Ito ay kasunod ng pag-aakusa ng mga Human Rights Group at UN sa Militar ng Myanmar ng Grave Atrocity laban sa Rohingya Muslims.

Ayon kay Cardinal Bo sa isang pahayag, "It is time to join - all religions, all ethnic groups - to truly make 2017 the Year of Peace. Peace is possible through justice. Peace is possible through negotiations. We urge all religions to observe the day of 1 January 2017 as a day of fasting and prayer for peace."

Hinikayat ng Cardinal ang lahat ng Burmese na magsama-sama sa panalangin para sa kapayapaan sa bisperas ng Bagong Taon at magdala o humawak ng mga karatulang nagsasabing "STOP all Wars".

Matatandaang minsan ng naiulat ang mga krimen laban sa Rohingya Muslim at naging dahilan ito upang pumalag na ang Rights Group Amnesty International sa pagsasabing ang Militar ng Myanmar ay maaaring patawan ng "crimes against humanity".

Mariin namang itinatanggi ng Militar ng bansang Myanmar ang mga akusasyon at sinabing ito ay nagsasagawa lamang ng anti-terrorist raids.

Para sa bansang Malaysia, ito ay nakaka-alarmang pangyayari, kaya't nanawagan na ito sa Association of South East Asian Nations (ASEAN) upang imbestigahan na ang mga pangyayaring ito.


 

Contact Us

Facebook Page