Nagdeklara na rin ng state of emergency ang probinsya ng Central kalimantan, Indonesia bunsod ng forest and land fires ayon sa pahayag ng National Disaster Mitigation Agency (BNPB) kahapon ika-22 ng Agosto taong 2017.

Ayon sa ulat ng Channel News Asia, nagpahayag na rin ng state of emergency ang mga probinsya ng Riau, Jambi, South Sumatra, West Kalimantan at South Kalimantan.

Ang probinsya ng Riau at South Sumatra ang pinakaunang nagdeklara ng state of emergency nitong Enero 2017.

Nagkainitan ang mga tropa ng India at China sa pinag aagawang teritoryo sa Pangong Lake sa Western Himalayas. Ayon sa ulat ng BBC news, Sinubukan ng mga sundalong Chinese sa nasabing teritoryo.

Binato dimano ng mga sundalong Chinese ang mga sundalong Indian kaya nagkaroon ng tensyon. Walang naiulat na namatay ngunit marami ang sugatan.

Gayunpaman, giniit ng gobyerno ng China na ang mga nasabing sundalo ay nasa loob ng Chinese territory.

Nangako ang bansang Japan na magbibigay ng isang bilyong dolyar na ayuda para sa mga kabataan at mga bata.

Ayon sa ulat ng Channel News Asia, ang ayuda ay bahagi ng tulong ng bansa upang makamit ang United Nations (UN) Sustainable Development Goals (SDGs) sa buong mundo.

 

Ayon pa sa nasabing ulat, pinahayag ni Japan Foreign Minister Fumio Kishida sa isang pulong ng UN na "I am pleased to announce that the government of Japan commits to provide one billion dollars of assistance by 2018... (ang ayuda ay may) focus on policies targeting the next generation."

Ayon sa paliwanag ng Ministro, ang ayuda ay gagamitin partikular sa edukasyon, kalusugan, disaster risk reduction at gender equality.

Ang gobyerno ng Malaysia ay inaabanagan ang pinaigting na pakikipagtulungan sa gobyerno ng Amerika sa laban kontra terorismo.

Sa ulat ng Channel News Asia, sinabi ni Malaysia Prime Minister Najib Tun Razak na ang pakikipagtulungang ito ay sa diwa kapayapaan, seguridad at katatagan para sa lahat.

Ibinahagi ng Prime Minister ang mensahe sa American Malaysian Chamber of Commerce dinner kasabay ng ika-60 taong selebrasyon ng US-Malaysia.

Ang US ay numero uno sa laban kontra "extremism" at wala nang mas matibay na alyado para sa Malaysia liban dito ayon paliwanag ng Prime Minister.

Page 1 of 4
 

Contact Us

Facebook Page