Sa Pilipinas, ang labor migration ay naging isang pangkaraniwang bagay. Ayon sa Asian survey, pinapakita na ang Pilipinas ay isa sa pinakamalaking migrant exporters sa rehiyon.

Ang pandarayuhan ay mayroong pantaong at panlipunang kapalit. Hindi lang ito naging isyu pang ekonomiya pero pati narin pang moral. Sa prospektibo na ito, nalikha ang Filipino Service ng Radio Veritas Asia. Sa kapaligiran ng buhay migrante, ang mga programa na pinapalabas sa mga overseas Filipino workers ay humahanap upang tumugon sa tanging pangangailangan ng mga tagapakinig.

Ang Kuwait invasion noong Agosto 1990 ang nagbigay lakas sa paglikha ng isang broadcast service na matagal ng nasa planning board ng ilang mga espesyalista sa media sa pamunuan ng simbahan. Nag-aalala tungkol sa sitwasyon at kapakanan ng libu-libong Filipino na stranded sa gulo sa Gitnang Silangan, naguna ang ardyosis ng Manila sa pagdadagdag ng isa pang serbisyo sa Radio Veritas Asia, ang shortwave counterpart ng Serbisyong panlokal.

Nagsimula ang test broadcast noong Disyembre 19, 1990 kasama ng siyam na araw na Novena Mass para sa Pasko. Ang unang labas ng feedback ng mga tagapakinig ay naglabas ng pasasalamat mula sa mga tagapakinig, mula sa simula ng pagbrodkast, ipinahayag nila ang pangangailangan ng banal na misa na na nilabas sa ere. Pati rin ang daily news segment ng palabas ay naging “come-on” ng serbisyo. Ang mga Filipino overseas ay sabik sa mga balita sa kanilang inang bayan at mapakinggan ito araw-araw ay isa talagang malaking bagay.

Sa kasalukuyan hindi lamang sa shortwave radio napapakinggan ang mga programa ng Filipino Service, ang proyekto ng Radio Veritas Asia na 24/7 programming ay inilunsad kung saan mapapakinggan na ng mga masugid na tagapakinig ang kanilang mga paboritong programa sa pamamagitan ng kanilang mga gadyet tulad ng cellphone at tablet. I-download lamang po ang RVA mobile App sa App Store at Google Play.


 

Contact Us

Facebook Page