Ang pangunahing pakay na tagapakinig ng Filipino Service ay ang mga kababayan nating mga nasa Middle East kung saan libu-libong Pilipino ang nagtatrabaho. Gayunpaman, sa pangalawang taon nito sa pagbo-broadcast, unti-unting napapansin na ang serbisyong ito ay kayang maabot ang maraming Pilipino na nakakalat sa iba’t-ibang parte ng mundo. Kabilang na dito ang Angola, ilang bansang Mediterranean, Europe, partikular na ang Spain at Portugal, pati na rin ang ilang bahagi ng Russia.

Karamihan sa mga unang nagsulat ay mga mandaragat ngunit kalaunan ay may mga dumating ring reaksyon mula sa Middle East. Ang Filipino Service ay talaga namang masasabing isang tagapahayag sa radyo na nagbibigay ng serbisyo sa laaht ng Pilipino na nasa labas ng kanilang bayang pinagmulan.

Noong ika-1 ng Enero 1994, sinimulan ng Filipino Service ang serbisyo nito sa East Asia para sa mga Pilipinong manggagawa sa Hongkong, Japan, Taiwan at Korea.

Ang Filipino Service ay umaasang maabot at matutugunan ang iba’t-ibang pangangailangan na kaugnay sa buhay migrante, sa paglalayong makapagbigay ng epektibong serbisyong pang-broadcast. Para sa karamihan ng migranteng Pilipinong manggagawa, ang nasabing serbisyo ay nagsisilbing link sa kanilang mahal sa buhay na nasa Pilipinas.

Ang test broadcasts ay nagsimula noong ika-16 ng Disyembre 1990 na may siyam na araw ng misa ng Novena para sa Pasko. Ang mga naunang reaksyon mula sa mga tagapakinig ay nagpapahayag ng pasasalamat sa ilan pa na mula pa noong simula ng broadcast ay nagpahayag na ng kanilang nadarama ukol sa pangangailangan ng pag-ere ng Banal na Misa. Bilang karagdagan, sinasabing ang pangaraw-araw na segment ng broadcast ay nagsilbing pang-akit sa mga tagapakinig. Ito’y naging daan para sa ating mga kababayan para malaman ang napapanahong balita sa ating bansa.

Sa bilis ng takbo ng pagbabago sa teknolohiya, ang RVA ay kailangang maisakatuparan ang kanyang mahalagang tungkulin sa makabagong panahon. Bilang isang Radio station, malaki ang posibilidad na maiugnay sa ibat-ibang multi-media platforms tungo sa pagbabago. Sa libo-libong Pilipino na gumagamit ng internet, ang komunikasyon at  impormasyon ay mas madali na. Ang mga phenomenon na ito ang nagtulak sa RVA upang baguhin ang kanyang website noong June 20, 2014. Ito ang naging hudyat ng ibat-ibang Language Service na hindi na lamang sa shortwave sila mapapakinggan kundi pati na rin Online sa kani-kanilang mga microsites. Sa pamamagitan nito, ang Filipino Service ngayon ay mapapakinggan na sa shortwave at sa Online 24/7 ng kahit sino, kahit anong oras at kahit saan. Mga audio, mga babasahin, mga litrato at mga video ay maari mo ng makuha sa aming microsite. Tunay nga na ang Kristiyanismo ay kaya niyang makipagsabayan sa pagbabago sa mundo. Ang mga makabagong teknolohiya ay bagong areopagus o bagong oportunidad kung saan maipapahayag ang mabuting balita.

Sa Shortwave Transmitter, ang mga pangunahing tagapakinig ng Filipino Service, ay ang mga Overseas Filipino Workers sa Gitnang Silangan, mga Land-based workers, domestic workers, seafarers at mga migrante.

Habang sa Online Broadcast naman, ang Target audience ay ang lahat ng Pilipino sa buong mundo.


 

Contact Us

Facebook Page